Paglamig ng Hangin

Tuesday, December 6, 2011

Paglamig ng hanging hatid ng pasko
Nananariwa sa king gunita
Ang mga nagdaan nating pasko
Ang noche buena’t simbang gabi

Narito na ang pasko, at nangungulilang puso ko
Hanap-hanap, pinapangarap
Init ng pagsasalong tigib sa tuwa
Ng mag-anak na nagdiwang sa sabsaban
Nong unang pasko

sa pag-awit muli ng himig pasko
nagliliyab sa paghahangad,
makapiling kayo sa gabi ng pasko
sa ala-ala’y magkasama tayo

0 comments:

Post a Comment

© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.