SA PILING MO HESUS

Thursday, August 26, 2010

Buhay kong ito’y walang katiyakan
Mundong tinitirha’y mayrong hangganan
Ngunit sa piling Mo Panginoon
Makakamtan buhay na walang hanggan

Kayamanang hawak ko ngayon
Sa kabilang buhay ‘di ko madadala
Ngunit sa piling Mo Panginoon
Walang halaga yaman ng mundong ito

Ikaw tanging kailangan ko,
Sa hirap at dusa karamay ka
Wala ng nais pa,
basta’t kasama ka

Pagmamahal,
pagmamahal Mo ay tunay
Tapat at ‘di magbabago,
kailanpaman
Mananatili ang puso ko
Sa piling Mo Hesus

Balang Araw

Friday, August 6, 2010

Girls: Balang araw ang liwanag,
matatanaw ng bulag ang kagandahan ng umaga,
pagmamasdan sa t'wina

Boys:Balang araw mumutawi,
sa bibig ng mga pipi pasasalamat
at papuri awit ng luwalhati

chorus: Aleluya, ale-lu-ya
narito nang manunubos
luwalhatiin ang D'yos

coda: balang araw tatakbo ang pilay at ang lumpo. magsasayaw sa kagalakan iindak sa katuwaan

PANGINOON NARITO AKO

Thursday, August 5, 2010

SINO ANG AKING BABALINGAN?
PANGINOON KO, TANGING IKAW
PAGKAT TAGLAY MO ANG SALITA NG BUHAY
IKAW ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN

KORO:
PANGINOON, NARITO AKO
GAWIN MO SA AKIN ANG MAIBIGAN MO
HANDA AKONG TUPDIN ANG LOOB MO
PANGINOON NARITO AKO

SINO ANG AKING BABALINGAN
PANGINOON KO TANGING IKAW
PAGKAT IKAY DAAN AT KATOTOHANAN
IKAW NGA ANG AKING KALIGTASA

ITO ANG TANGI KONG HANGARIN
LUMAGI SA YONG PILING
MAKITA KA AT IBIGIN
PAGLINGKURAN NG TAIMTIM
© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.