SALMO 23

Tuesday, August 16, 2011

Ang Panginoon ay aking pastol, Hindi ako magkukulang
Ako ay kanyang pinagpapahinga sa mainam na pastulan

Inakay ako sa tahimik na batis At dulot Nyay bagong lakas
Tapat sa pangakong ako’y sasamahan Niya
Sa tuwid na landas

Ang Panginoon ay aking pastol, Hindi ako magkukulang
Ako ay kanyang pinagpapahinga sa mainam na pastulan

Daan ma’y puno ng dilim o ligalig hindi ako mangangamba
Tungkod mo’t pamalo ang siyang gagabay sakin at
Sasanggalang tuwina

SALUBUNGIN

Monday, August 8, 2011

Sa isang sandali sa huling ng trumpeta
Sa isang sigaw sa isang kisap mata
Darating na Siya, si Hesus ang ating pagasa
Bayan ng Diyos! Salubungin natin Siya!

Aleluya! Aleluya!
Aleluya! Narito na Siya!
Aleluya! Aleluya!
Aleluya! Narito na Siya!

INANG MAHAL

Saturday, August 6, 2011

Inang mahal, Mariang Ina sa kandungan
Mo’y nahimlay ang Sanggol Mong aming buhay

Pakinggan Mo, at ihatid aming mga panalangin
Kay Hesus na kaligtasan namin

Pag-ibig Mo, Inang kay tamis
Ipadama Mo sa aming tumatangis
Turuan Mo kaming magmahal
Kay Hesus aming tagapagligtas

Inang Mahal huwaran Ka ng pagsisilbi
Sa Diyos sa pag-akap Mo kay Hesus

Pakinggan Mo, ang panalangin naming
matularan ka sa tindi ng pag-ibig Mo sa Kanya

GANDANG SINAUNA AT SARIWA

Friday, August 5, 2011

KAYTAGAL BAGO KITA MINAHAL
GANDANG SINAUNA AT SARIWA
TAPAT KANG NANAHAN SA KING KALOOBAN
NGUNIT HINAHANAP PA RIN KAHIT SAAN

KAY TAGAL BAGO KITA MINAHAL
GANDANG SINAUNA AT SARIWA
AKOY NAGPABIHAG SA LIKHA MONG TANAN
DI KO AKALAING IKAW PALAY NILISAN

AKOY TINAWAGAN MULA SA KATAHIMIKAN
PINUKAW ANG AKING PANDINIG
BIGLANG LUMINAW ANG AWIT NG DAIGDIG

KAYTAGAL BAGO KITA MINAHAL
GANDANG SINAUNA AT SARIWA
TAPAT KANG NANAHAN SA KING KALOOBAN
NGUNIT HINAHANAP PA RIN KAHIT SAAN

AKOY INILAWAN MULA SA KADILIMAN
MINULAT MO AKING MGA MATA
BIGLANG LUMINAW TANGLAW KO SA TWINA

KAYTAGAL BAGO KITA MINAHAL
GANDANG SINAUNA AT SARIWA
AKOY NAGPABIHAG SA LIKHA MONG TANAN
DI KO AKALAING IKAW PALAY NILISAN

HUMMING

KAYTAGAL BAGO KITA MINAHAL
GANDANG SINAUNA AT SARIWA
AKONG NILIKHA MO
UUWI RIN SA’YO
AKOY PAPAYAPA LAMANG SA PILING MO
© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.