LIKHAIN MONG MULI

Tuesday, December 6, 2011

Ilikha mo kami ng ’sang bagong puso
Hugasan ang kamay na basa ng dugo
Linisin ang diwang sa halay ay puno
Ilikha Mo kami ng ‘sang bagong puso

Itindig Mo kami kami, kaming Iyong bansa
Akyin sa landas patungo sa kapwa
Ihatid sa piging na Iyong inihanda
Itindig Mo kami kami, kaming Iyong bansa

Amang Diyos yong baguhin ang tao’t daigdig
Sa banal na takot, sambaing nanginginig
Ibalik ang puso’t baying nanlalamig
Likhain Mong muli kami sa pag ibig

0 comments:

Post a Comment

© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.