ITO ANG ARAW

Thursday, October 6, 2011

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo’y magsaya at magalak

I. Magpasalamat kayo sa Panginoon
Butihin Siya’t kanyang gawa’y walang hanggan
Sabihin ng sambayanan ng Israel
Walang hanggan kanyang awa


II. Kanang kamay ng Diyos sa aki’y humango
Ang bisig saki’y ang tagapagtanggol
Ako’y hindi mapapahamak kailanman
Ipahahayag ko luwalhati Niya


III. Ang aking Panginoon moog ng buhay
Siya ang batong tinanggihan ng tagapagtayo
Kahanga hanga sa aming mga mata
Gawain Niya, Purihin Siya!

0 comments:

Post a Comment

© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.