INANG MAHAL

Saturday, August 6, 2011

Inang mahal, Mariang Ina sa kandungan
Mo’y nahimlay ang Sanggol Mong aming buhay

Pakinggan Mo, at ihatid aming mga panalangin
Kay Hesus na kaligtasan namin

Pag-ibig Mo, Inang kay tamis
Ipadama Mo sa aming tumatangis
Turuan Mo kaming magmahal
Kay Hesus aming tagapagligtas

Inang Mahal huwaran Ka ng pagsisilbi
Sa Diyos sa pag-akap Mo kay Hesus

Pakinggan Mo, ang panalangin naming
matularan ka sa tindi ng pag-ibig Mo sa Kanya

0 comments:

Post a Comment

© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.