HALINA, LUMAPIT SA AKIN

Sunday, February 6, 2011

Kaibigan, tantuhin mong isang paglalakbay ang buhay
Sanga sangang landas ay may kahirapan
Kung may lungkot o panganib sa ‘yoy biglang dumalaw
O kung ikaw ay mapagod sa bigat ng iyong pasan
Panginoon ang balingan, Panginoon ang asahan.

Wika Nya’y halina, lumapit sa Akin
Kayong mga napapagal aking pagiginhawahin
Bigat ng iyong pasanin, ay Aking pagagaanin
Halina, kaibigan, lumapit sa Akin

Kaibigan, tantuhin mong isang paglalayag ang buhay
Maalon ang dagat at may kalaliman
Kung may unos at may hanging di mo kayang paglabanan
O sa gabing kadiliman ni tala ay walang tanglaw
Panginoon ang balingan, Panginoon ang asahan

Halina, kaibigan, lumapit sa akin.

0 comments:

Post a Comment

© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.