Gumising

Thursday, January 6, 2011

Gumising, gumising mga nahihimbing
Tala'y nagniningning, Pasko na Gumising

kampana't kuliling, kumalembang kling-kling
ang nino'y darating, sa belen pa galing

kahit puso'y himbing, masda't masasaling
ninong naglalambing, sa inang kay ningning

puso'y masasaling, luha ang pupuwing
mag-inang kay lambing, puso mo ang hiling

0 comments:

Post a Comment

© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.