Manalig Ka

Friday, September 10, 2010

Iluom lahat ng takot sa inyong damdamin
Ang pangalan Niya lagi ang tawagin
at Siya’y nakikinig sa bawat hinaing

Magmasid at mamulat sa Kanyang kapangyarihan
Nabatid mo ba na Siya’y naglalaan
Patuloy na naghahatid ng tunay na kalayaan

Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata
Hindi Siya panaginip, hindi Siya isang pangarap
Siya’y buhay, manalig Ka

At ngayon tila walang mararating na bukas
Ngunit kung Siya ang ating hahayaan maglandas
Pag-asa ay muling mabibigkas

Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata
Hindi Siya natutulog, hindi nakakalimot
Kay Hesus, manalig ka
Manalig ka

0 comments:

Post a Comment

© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.