SA PILING MO HESUS

Thursday, August 26, 2010

Buhay kong ito’y walang katiyakan
Mundong tinitirha’y mayrong hangganan
Ngunit sa piling Mo Panginoon
Makakamtan buhay na walang hanggan

Kayamanang hawak ko ngayon
Sa kabilang buhay ‘di ko madadala
Ngunit sa piling Mo Panginoon
Walang halaga yaman ng mundong ito

Ikaw tanging kailangan ko,
Sa hirap at dusa karamay ka
Wala ng nais pa,
basta’t kasama ka

Pagmamahal,
pagmamahal Mo ay tunay
Tapat at ‘di magbabago,
kailanpaman
Mananatili ang puso ko
Sa piling Mo Hesus

0 comments:

Post a Comment

© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.