KUNG ‘YONG NANAISIN

Tuesday, April 5, 2011

Kung ‘yong nanaisin, aking aakuin
at babalikatin ang krus mong pasanin

Kung ‘yong iibigin, iputong sa akin,
koronang inangkin, pantubos sa amin


Koro:
Kung pipiliin, abang alipin,
sabay tahakin, krus na landasin,
galak ay akin, hapis ay di pansin!
Ang ‘yong naisin, siyang susundin

Kung ‘yong hahangarin, kita’y aaliwin
at kakalingain, lumbay papawiin
(koro)

0 comments:

Post a Comment

© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.