Masdan mo Oh Diyos ang lingkod mo
na nagbabalik loob sa iyo
Bagamat di marapat ay dumudulog sa’yo
Upang makamtan ang awa mo
Ang diwa ko’y naninimdim kung malayo sa’yo
Ang pusoy koy’s namimighati kung mawalay sa’yo
Kailan mo pa kaya matitikman ang awa mo
Kailan tatamuhin ang patawad mo
Kay tagal kong nalayo sa’yo
At kay daming mga taong sinaktan ko
At and siyang iniisip ko ay kaginhawahan ko
Pininid sa kapwa puso ko
Kaya nga O Diyos kalugdan mo
Ang pagbabalik loob sa iyo
Diwa ko linisin mo
Puso ko ay buksan mo
Upang makamtan ang awa mo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment