Walang Hanggang Pasasalamat

Saturday, January 7, 2012

Salamat sa’yo aming ama
Salamat sa’yong mga likha
Salamat sa liwanag ng araw at buwan
Salamat sa’yo O Diyos

Salamat Panginoong Hesus
Salamat sa’yong pagliligtas
Salamat sa buhay na walang hanggan
Salamat, salamat sa iyo

Koro:
Walang hanggang pasasalamat
Ang sa iyo’y aming sasambitin
Maging sa huling sandali ng aming buhay
Pasasalamat sa iyo’y walang hanggan

Salamat Espiritung Banal
Salamat sa liwanag ng buhay
Salamat sa walang hanggang patnubay Mo
Salamat, salamat sa iyo O Diyos

Salamat sa mga magulang ko
Salamat sa mga kapatid ko
Saamat sa lahat ng kaibigan ko
Salamat, salamat sa iyo

Salamat sa bawat pagsubok
Salamat sa tibay ng loob
Salamat sa landas ng pagbabago
Salamat sa’yo O D’yos

Salamat sa wagas na pag-ibig Mo
Salamat inibig mo ako
Salamat sa bawat taong nagmamahal
Salamat, salamat sa iyo

KORO

Pasasalamat sa iyo (3x)
Walang hanggan (2x)

Salve Regina

O Santa Maria, O Reyna’t Ina ng awa
Ika’y aming buhay, pag-asa’t katamisan
Sa ’Yo nga kami tumatawag,
pinapanaw na Anak ni eva
Sa ’Yo rin kami tumatangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis

Kaya’t ilingon Mo sa amin
Ang mga mata Mong maawain
At saka kung matapos yaring pagpanaw
Ipakita Mo sa amin, ang Iyong anak sa si Hesus

O magiliw, maawain, matamis na Birheng Maria

Magnificat (Ang Puso ko’y Nagpupuri)

Friday, January 6, 2012

Ang puso ko’y nagpupuri’
nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
sa king tagapagligtas

Sapagkat nilingap Niya,
kababaan ng kanyang alipin
Mapalad ang Pangalan ko
sa lahat ng mga bansa

Sapagkat gumawa ang Poon,
ng mga da;kilang bagay
Banal sa lupa’t langit
ang pangalan ng Panginoon

Awit ng Paghilom

Panginoon ko hanap-hanap Ka ng puso
Tinig Mo’y isang awit paghilom

Ang baling ng aking diwa ay Sayo
Wag nawang pahintulutang masiphayo
Ikaw ang buntong hininga ng buhay
Dulot Mo’y kapayapaan pag-ibig

Ako’y Akayin sa daang matuwid
H’wag nawang pahintulutang mabighani
Sa panandalian at h ‘wad na rilag
Ikaw ang aking tanging tagapagligtas

Sigwa sa king kalooban ‘yong masdan
Pahupain ang bugso ng kalungkutan
Yakapin ng buong higpit ‘yong anak
Nang mayakap din ang bayan Mong ibig
© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.