Tinapay ng Buhay

Monday, November 7, 2011

Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay
Binasbasan hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
At pagsasalong walang hanggan

Basbasan ang buhay naming handog,
Naway matulad sa pagpapala mo
Buhay na laan ng lubos,
Sa mundong sa pag-ibig ay kapos

Marapatin sa kapwa maging tinapay,
Kagalakan sa nalulumbay
Katarungan sa naapi, at
kanlungan ng bayan mo ng sawi

Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay
Binasbasan hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
At pagsasalong walang hanggan

Sinong Makapaghihiwalay?

Sinong makapaghihiwalay?
Sa atin sa pag-ibig ni Kristo
Sinong makapaghihiwalay sa atin?
Sa pag-ibig ng Diyos

Paghihirap ba kapighatian
Pag-uusig o gutom o tabak
At kahit na ang kamatayan
Walang makapaghihiwalay sa atin
Sa pag-ibig ng Diyos

Sa Hapag ng Panginoon

Sunday, November 6, 2011

Sa hapag ng panginoon
Buong bayan ngayo’y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng diyos sa tanan

Sa panahong tigang ang lupa
Sa panahong ang ani’y sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan
Sa panahon ng kapayapaan

Ang mga dakila’t dukha
Ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo ang api at sugatan
Ang lahat ay inaanyayahan

Landas ni Hesus

Kay gandang balikan ng ating nakaraan
Sa yaman n gating kasaysayan
Maging ang gaming kabundukan
Ang aming karagata’y saksi ng ‘yong mapagpalang kamay

Kami ay iyong bayan na pinili
Isang baying malaya’t kinandili
Kaya kami sa ‘yo ngayon ay nagpupuri
Dinadakila’t sinasamba ang ngalan mo

Ang landas ni Hesus aming susundan
Buhay ng ‘yong anak aming gabay
Sa aming pagtahak buhay na may katarunga’t
May kapayapaan at may pagkakapantay-pantay

Ang bawat yakap niya’y magsisilbing gabay
Ang landas ni hesus aming susundan

THE FACE OF GOD

Saturday, November 5, 2011

To see the face of God is my heart’s desire
To gaze upon the Lord is my one desire

For God so loved the world
He gave his son
His only begotten son

And they shall call him Emmanuel
The prince of peace
The hope of all the world

Emmanuel! Emmanuel! Emmanuel!
© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.