Umawit Kayo

Wednesday, September 7, 2011

Chorus:
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin

I. Yahweh kong mahal
Kahanga hanga ang iyong mga kamay
Ang bisig mo aking tagumpay
Ipinakilala ng aking Diyos sa lahat ng bansa
Kanyang kapangyarihan at awa

II. Yahweh kong tapat
Di mo nilimot ang iyong mga sumpa
Ang pag-ibig mo laging matatag
Ngayo’y umaawit buong daigdig sa iyong tagumpay
At paghango sa amin ‘yong bayan

III. Yahweh kong ama
Kay luwalhati ng iyong mga likha
Sa kalangitan may pagdiriwang
Ang mga dagat at ilog man ay nagsusumigaw
Sa iyong kadakilaan at dangal

Magsumigaw sa kaligayahan
Itanghal kadakilaan ng Diyos, ng Diyos
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin

INAY

Tuesday, September 6, 2011

Sa mahinahong paalam ng araw,
Sa pag-ihip ng hanging kahapunan
Balabal ko’y init ng ‘yong pag-ibig
Sa dapit hapong kay lamig

Mga bituin kay agang mag-sigising
Umaandap, mapaglaro man din
Iyong ngiti hatid nila sa akin
Sa diwa ko’t panalangin

Puso ko’y pahimlayin Inay
Upang yaring hamog ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping
Halik ng ‘yong Anak, Ay irog kong Inay

Sa palad niyo itago aking palad
Aking bakas sa inyong bakas ilapat
At iuwi sa tahanan kong dapat
Sa piling ng inyong Anak

Puso ko’y pahimlayin Inay
Upang yaring hamog ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping
Halik ng ‘yong Anak, Ay irog kong Inay

Puso ko’y pahimlayin Inay
Upang yaring hamog ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping
Halik ng ‘yong Anak, Ay irog ko…
Oh Ina kong mahal, Ay irog kong Inay

AT HOME IN OUR HEARTS

Monday, September 5, 2011

You who welcome Christ into your home
You who must have washed the Savior’s feet
Are truly blest you who fed the Lord when weary and forlorn
Blest are you who served the Lord’s needs

You with whom He shared His wondrous deeds
You to whom He bared His broken dreams,
Are truly blest, you whom Jesus sought before His lonely end
Blest are you whom Jesus called His friend

REFRAIN:
And so we pray, now and always,
that we might serve the Lord as selflessly.
By feeding those in need, their woes making our own,
in our hearts may Jesus find a home.

You who begged the Lord to raise His friend
You who knew our death he would amend
Are truly blest you whom Jesus heart say
“You are the Messiah,
The Son of God Who comes into the world!”
© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.