Noong Paskong Una

Sunday, March 6, 2011

Noong paskong una, si Mariang ina
Sanggol nyang kay ganda, pinaghele s kanta
Awit nyay kay rikit, anghel doon sa langit
Sa tamis naakit sumamang umawit

Pasko na, pasko na, pasko na
sumabay, sumabay sa kanta
ni Mariang ina, sa ninong kay ganda

mga tala’t bituin, pati ihip hangin
nakisama na rin, kay Mariang awitin
ang buong kalangitan, pati na rin kalikasan
hango sa awitan ng unang paskuhan

mga tupa’t baka, sa giray na kwadra
umungol, dumamba, kasabay ng kanta
pastores sa sa paltok, sa tuktok ng bundok
kahit inaantok sa kantaha’y lumalahok

Humahayo’t Ihayag

Humahayo’t ihayag, Purihin Siya!
At ating ibunyag, Awitin Siya!
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang syang sa mundo’y tumubos

Langit at Lupa Sya’y papurihan,
araw at tala siya’y parangalan
Ating pagdiwang pagibig ng Diyos sa tanan
Aleluya

Halina’t sumayaw buong bayan
Lukso sabay sigaw sanlibutan
Ang ngalan nyang angkin singningning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin

HUWAG KANG MANGAMBA

Saturday, March 5, 2011

Huwag kang mangamba di ka nag iisa
Sasamahan kita saan man mag punta
Ikay mahalaga sa king mga mata
Minamahal kita minamahal kita

Tinawag kita sayong pangalan
Ikaw ay akin magpakailanman
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tagapagligtas mo at tagatubos

Sa tubig kitay sasagipin
Sa apoy ililigtas man din
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tagapagligtas mo at taga tubos

Huwag kang mangamba di ka nag iisa
Sasamahan kita saan man mag punta
Ikay mahalaga sa king mga mata
Minamahal kita minamahal kita
© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.