Mariang Ina ko

Saturday, November 6, 2010

Stanza I:
Sa aking paglalakbay, sa bundok ng buhay
Sa ligaya’t lumbay, maging talang gabay

CHORUS:
Mariang Ina ko, ako ri’y anak Mo
Kay Kristong Kuya ko, akayin Mo ako
Kay Kristong Kuya ko, akayin Mo ako

Stanza II:
Maging aking tulay, sa langit kong pakay
Sa bingit ng hukay, tangnan aking kamay.(repeat chorus)

Stanza III:
Sabihin sa Kanya, aking dusa at saya
Ibulong sa Kanya, minamahal ko S’ya.(repeat chorus)

Bayan Umawit

Bayan umawit ng papuri
Sapagkat ngayon ika’y pinili
Iisang bayan, iisang lipi
Iisang Diyos, iisang Hari
Bayan umawit ng papuri,
Bayan umawit ng papuri

Mula sa ilang ay tinawag ng Dyos
Bayang lagalag inangkin ng lubos
Pagkat kailan ma’y di pababayaan
Minamahal Niyang kawan

Panginoong ating manliligtas
Sa kagipitan syang tanging lakas
Pagkat sumpa Niyay laging iingatan
Minamahal Nyang bayan

BAWAT SANDALI

Friday, November 5, 2010

SOPRANO/TENOR:
Bawat sandali dalangin koy binibigkas
Ng masilayan kang maaliwalas
Ng ibigin ka Panginoon buong wagas
Ng aking masundan ang yong bakas

ALTO:
Bawat sandali, aking dalangin
Masilayan kang, maaliwalas
Nang ibigin ka, panginoon ko
Nang masundan ang yong bakas
© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.