Manalig Ka

Friday, September 10, 2010

Iluom lahat ng takot sa inyong damdamin
Ang pangalan Niya lagi ang tawagin
at Siya’y nakikinig sa bawat hinaing

Magmasid at mamulat sa Kanyang kapangyarihan
Nabatid mo ba na Siya’y naglalaan
Patuloy na naghahatid ng tunay na kalayaan

Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata
Hindi Siya panaginip, hindi Siya isang pangarap
Siya’y buhay, manalig Ka

At ngayon tila walang mararating na bukas
Ngunit kung Siya ang ating hahayaan maglandas
Pag-asa ay muling mabibigkas

Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata
Hindi Siya natutulog, hindi nakakalimot
Kay Hesus, manalig ka
Manalig ka

Bayan Magsiawit Na

Monday, September 6, 2010

Bayan magsiawit na,
bayan pinagpala ka
Dakilang biyayang pangako niya
Sumilay na

Sinauna Mong hangarin,
ang tao nga’y tubusin
Upang S’ya ay makapiling
mapag-irog na D’yos natin

Pananatili Mong tunay,
Espiritung ating gabay
Kahulugan at pag-asa,
pagmamahal at biyaya

PAPURI SA DIYOS

Sunday, September 5, 2010

PAPURI SA DIYOS!
PAPURI SA DIYOS SA KAITAASAN!
PAPURI SA DIYOS!

AT SA LUPA’Y KAPAYAPAAN
SA MGA TAONG KINALULUGDAN NIYA
PINUPURI KA NAMIN
DINARANGAL KA NAMIN
SINASAMBA KA NAMIN
IPINAGBUBUNYI KA NAMIN

PINASASALAMATAN KA NAMING
SA’YONG DAKILANG ANGKING KAPURIHAN
PANGINOONG DIYOS,
HARI NG LANGIT DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT
PANGINOONG HESUKRISTO
BUGTONG NA ANAK
PANGINOONG DIYOS, KORDERO NG DIYOS,
ANAK NG AMA (KORO)

IKAW NA NAG AALIS NG MGA
KASALANAN NG MUNDO
MAAWA KA SA AMIN, MAAWA KA
IKAW NA NAG AALIS NG MGA
KASALANAN NG MUNDO
TANGGAPIN MO ANG AMING KAHILINGAN
IKAW NA NALUKLOK SA KANAN NG AMA (KORO)

SAPAGKAT IKAW LAMANG ANG BANAL
AT ANG KATAAS-TAASAN
IKAW LAMANG, O HESUKRISTO
ANG PANGINOON
KASAMA NG ESPIRITU SANTO SA
KADAKILAAN NG DIYOS, AMEN. (KORO)
© SOM Choir Bulihan. Template Designed by kHa of The Greenhorn Thoughts.